Nikko Permano - Hanggang Sa Huli Lyrics

Hanggang Sa Huli

by Nikko Permano


 [Verse1]

Akala ko'y wala ng pag-asa

ang puso na nag-iisa

takot na magmahal

ayoko nang masaktan pa


Dumating at di pinagkait

panalangin ko ay nadinig

ngayo'y limot na ang

nakaraan na kay sakit


[Chorus]


Sa oras na kapiling na kita

O ka'y liwanag ng nadarama

mahal kita pagka't

ako'y palaging masaya


Bakit hindi ako mapakali

hanap ka sa bawat sandali

hangad ko lang naman

ay makasama ka hanggang huli


[Verse2]


Ika'y nagsisilbing lakas

sa pagsasamang di magwawakas

parehong di susuko sa

pagibig na wagas


Malayo man sa isat-isa

pagibig mo'y aking dala-dala

kahit sa panaginip

nalang magkikita


[Repeat Chorus]


[Bridge]


Alam ko ng wala akong pagsisisihan

pagkat tunay ang ating pagmamahalan

mamahalin kita hanggag huli

gusto ko tumandang

kasama ka at katabi


[Repeat Chorus]


Hangad ko lang naman

ay makasama ka hanggang huli...

Mag-post ng isang Komento