TUNAY NANG PINADAMA
by Nikko Permano
[Verse1]
Bawat saglit na kapiling ka'y
tulala sayong ganda
Katulad mo ay buwan
na kay liwanag sa mata
Di ko rin alam kung paano
binigyang kulay ang mundo
Alam ng langit na
naging tapat ang puso mo...
[Chorus]
Ikay mahalaga sa buhay ko
alam kong tunay ang pag-ibig mo
Hindi ko hahayaang
masasayang lang ito
Pagkat tayo na ay pinag-isa
hindi na nagbiro ang tadhana
Walang hanggang pag-ibig na
sa ating dalawa ay tunay nang pinadama
[Verse2]
Boses mo'y gusto kong marinig
lagi akong nakikinig
Akoy nanlalamig
ang puso ko'y kinikilig
At araw-araw nang pinapansin
pagkat ikaw lang ang gusto
Awit ko'y damdamin
ito ay pra lang sayo...
[Repeat Chorus]
[Bridge]
Di na ko hahanap ng iba
kuntento na ako
nang dahil sa
tunay mong pindama hahh...
[Repeat Chorus]...
Mag-post ng isang Komento