"TAMA NA"
By Freddie Aguilar
Ah ah haaaa ah ahaaaa
Doo’y nagpuputukan
Sino ang ipinaglalaban
Wala na bang naiiwan
Ibang mga paraan
Maraming nadadamay
Mga walang kamalay-malay
Hindi na ba mapigilan
Digmaan sa bayan
Tama na, tama na
Itigil na ang putukan
Buhay ng tao’y nasasayang
Tama na, tama na
Bigyan kami ng katahimikan
Kapayapaan ating pagbigyan
Ah ah haaaa ah ahaaaa
Doon sa aking bayan
Pastol ng kagubatan
Ugaling kahayupan
Kanilang sinusundan
Wala na bang hangganan
Ang ating kalokohan
Ituwid ang kamalian
Wakasan ang kasamaan
Repeat
Ah ah haaaa ah ahaaaa
Aking kababayan
Harapin ang katotohanan
Di na maiiwasan
Digmaan sa bayan
Kung di mo lilinisin
Ang sariling kalooban
Buksan ang isipan
Tahakin ang kapayapaan
Repeat
Mag-post ng isang Komento