BIKINING ITIM Lyrics

BIKINING ITIM

by Bert Dominic / Blakdyak


[Verse 1]

Sa 'yong inaakala nalimot na kita

Gayong ako ay laging tapat sa 'yo sinta

Buhat nang mawala ka, ako ay nagdurusa

Kahit ka nagtampo

Sana’y malaman mong mahal pa rin kita


[Verse 2]

Hinanap ka sa disco, beerhouse, at restaurant

Mayro’ng nakapagsabing ika’y nasa Japan

Ako’y mangungulila ng anim na buwan

Dahil mahal kita

Alang-alang sa 'yo, magtitiis ako


[Chorus]

Ang iniingat-ingatan ko kaisa-isang bikini mo

Na tinatago-tago ko pa at katabi sa pagtulog ko

Ako’y dumadalangin na kahit manawari

Huwag sanang sungkitin

Bikini mong itim na alay mo sa 'kin


[Instrumental Break]


[Chorus]

Ang iniingat-ingatan ko kaisa-isang bikini mo

Na tinatago-tago ko pa at katabi sa pagtulog ko

Ako’y dumadalangin na kahit manawari

Huwag sanang sungkitin

Bikini mong itim na alay mo sa 'kin


[Outro]

Huwag sanang sungkitin

Bikini mong itim na alay mo sa 'kin

Huwag sanang sungkitin

Bikini mong itim na alay mo sa 'kin


Mag-post ng isang Komento