Magasin
Kita kita
sa isang magasin
Dilaw ang `yong suot
at buhok mo'y green
Isang tindahan
sa may Baclaran
Napatingin natulala
sa `yong kagandahan
Naalala mo pa ba
no'ng tayo pang dal'wa
`Di ko inakalang
sisikat ka
Tinawanan pa kita
Tinawag mo `kong
walanghiya
Medyo pangit ka pa
noon nguni't ngayon hey
Iba na ang `yong ngiti
Iba na ang `yong tingin
Nagbago nang
lahat sa `yo
Sana'y hindi nakita
Sana'y walang problema
Pagka't kulang
ang dala kong pera
Na pambili oh hooo
Pambili sa mukha
mong maganda
Siguro ay may kotse
ka na ngayon
Rumarampa sa entablado
Damit mo'y gawa ni Sotto
Siguro'y malapit ka
na ring sumali
Sa Super Model of the
Whole Wide Universe kasi
Iba na ang `yong ngiti
Iba na ang `yong tingin
Nagbago nang
lahat sa `yo
Sana'y hindi nakita
Sana'y walang problema
Pagka't kulang
ang dala kong pera
Nakita kita
sa isang magasin
At sa sobrang gulat ko
`di ko napansin
Bastos pala ang pamagat
Dalidaliang binuklat
At ako'y namulat sa
hubad na katotohanan he
Iba na ang `yong ngiti
Iba na ang `yong tingin
Nagbago nang
lahat sa `yo
Sana'y hindi nakita
Sana'y walang problema
Pagka't kulang
ang dala kong pera hey
Iba na ang `yong ngiti
Iba na ang `yong tingin
Nagbago nang
lahat sa `yo
Sana'y hindi nakita
Sana'y walang problema
Pagka't kulang
ang dala kong pera
Na pambili oh hooo
Pambili sa mukha
mong maganda
Nasaan na kaya
Sana ay masaya
Sana sa susunod na
isyu ay centerfold ka na
Mag-post ng isang Komento