Pag-ibig ko sa iyo'y Di Magbabago
by Men Oppose
Kay tagal kitang
hinanap hanap
Hinihintay at
pinapangarap
Ngayon nakita ka'y
'di ako papayag
Na kapiling ko'y
mawalay pa
Bawat naisin mo'y
ibibigay sa 'yo
Lahat ng gusto mo
ay susundin ko
H'wag sanang
magbabago
Puso't isipan ko'y
para lang sa iyo
Pag ibig Ko Sa 'Yo'y
'Di Magbabago
Habang tumatagal
lalong nag iibayo
Buong buhay ko'y
inialay sa 'yo
Kapag nawala ka'y
wala na rin ako
Ang akala ko'y
ika'y pangarap lamang
Hindi makikita
at 'di masisilayan
Ngayon alam ko na
Na ikaw ay tunay
Aking mamahalin
at 'di paluluhain
Bawat naisin mo'y
ibibigay sa 'yo
Lahat ng gusto mo
ay susundin ko
H'wag sanang
magbabago
Puso't isipan ko'y
para lang sa iyo
Pag ibig Ko Sa 'Yo'y
'Di Magbabago
Habang tumatagal
lalong nag iibayo
Buong buhay ko'y
inialay sa 'yo
Kapag nawala ka'y
wala na rin ako
Pag ibig Ko Sa 'Yo'y
'Di Magbabago
Habang tumatagal
lalong nag iibayo
Buong buhay ko'y
inialay sa 'yo
Kapag nawala ka'y
wala na rin ako
Kapag nawala ka'y
wala na rin ako
Mag-post ng isang Komento