Orient Pearl - Kasalanan Lyrics

Orient Pearl - Kasalanan Lyrics


Ang panahong sinayang ko

Pasakit na dinanas mo

Noo'y 'di ko nakita

Ang iyong pagdurusa

'Di kaya ng alaala

Buhayin ang pagnanasa

Nguni't sabihin mo sa akin

Kung pa'nong pupunuan ang pagkukulang ko, oh

Pag-ibig ko'y muli mong pagbigyan

Upang mabawi ang mga kasalanan

Pag-ibig ko'y muli mong pagbigyan

Sana'y malaman mo ang ninanais ko

Sa pangarap na sinira ko

Kulang na pambayad ang buhay ko

Ang isip ko'y liyo

Sumuko sa tukso at kamunduhan

Ako'y naging isang hangal

Isinuko mo ang iyong dangal

Oh, nguni't paano ba mababawi pa

Ang nagawa kong mga pagkakasala?

Pag-ibig ko'y muli mong pagbigyan

Upang mabawi ang mga kasalanan

Pag-ibig ko'y muli mong pagbigyan

Sana'y malaman mo ang ninanais ko

Pag-ibig ko'y muli mong pagbigyan

Upang mabawi ang mga kasalanan

Pag-ibig ko'y muli mong pagbigyan

Sana'y malaman mo ang ninanais ko


Mag-post ng isang Komento