Salamin, Salamin Lyrics by BINI

Salamin, Salamin

by BINI

salamin-salamin


[Verse 1: Maloi]

Oh, hello there, misteryoso

'Di pa rin mabasa ang 'yong tunay na motibo, ooh-woah

Iba'ng pinapakita, taliwas sa'yong salita

Pero ayokong magduda baka lang sa simula


[Refrain: Stacey, Aiah]

Maghihintay na lang na ika'y dumaan

Sana ay maibsan ang aking pangungulila

Trapped in this fairytale

But I don't wanna wake up in this dream, baby


[Pre-Chorus: Colet]

Ayokong umasa

Sa paniniwalang

May pag-asa nga ba

Na baka ang puso ko'y mapagbigyan


[Chorus: Jhoanna, Sheena]

Mahiwagang salamin

Kailan ba niya aaminin

Kaniyang tunay na pagtingin?

Mahiwagang salamin

Ano ba'ng dapat gawin?

Bakit ang puso'y nabibitin?


[Post-Chorus: Gwen, Mikha]

Salamin, salamin sa dingding

Nasa'n na ang pag-ibig?

Salamin, salamin sa dingding

Pwede mo bang sabihin?

Salamin, salamin sa dingding

Nasa'n na ang pag-ibig?

Salamin, salamin

Kailan niya ba 'ko papansinin?


[Verse 2: Sheena, (All)]

Ayokong maniwala (Ayokong maniwala, ayy)

Na baka mabalewala (Oh, no, oh, no)

Pero sa'yong sulyap, mga mata'y nangungusap

'Di ko kayang magpanggap, ano ba talaga ito?


[Refrain: Gwen, Mikha]

Maghihintay na lang na ika'y dumaan

Sana ay maibsan ang aking pangungulila

Trapped in this fairytale

But I don't wanna wake up in this dream, baby


[Pre-Chorus: Jhoanna]

Ayokong umasa

Sa paniniwalang

May pag-asa nga ba

Na baka ang puso ko'y mapagbigyan


[Chorus: Maloi, Stacey]

Mahiwagang salamin

Kailan ba niya aaminin

Kaniyang tunay na pagtingin?

Mahiwagang salamin

Ano ba'ng dapat gawin?

Bakit ang puso'y nabibitin?


[Post-Chorus: Aiah, Colet]

Salamin, salamin sa dingding

Nasa'n na ang pag-ibig?

Salamin, salamin sa dingding

Pwede mo bang sabihin?

Salamin, salamin sa dingding

Nasa'n na ang pag-ibig?

Salamin, salamin

Kailan niya ba 'ko papansinin?


[Bridge: Mikha, Stacey, Jhoanna, Aiah, (All)]

Mirror, mirror on the wall

Please tell my prince charming, I'm waiting for his call

Bakit ba pasikot-sikot? Para bang pinapaikot

'Di ko talaga ma-gets, ano ba talaga ang next move mo?

Gusto ko lang naman malaman (Malaman)

Ano ba ang katotohanan? (Oh, my)

Better say it now, it's not too late

I'm ready to be called your princess, hey (Hey)


[Pre-Chorus: Maloi]

Ayokong umasa

Sa paniniwalang

May pag-asa nga ba

Na baka ang puso ko'y mapagbigyan?


[Chorus: Gwen, Colet, (Maloi)]

Mahiwagang salamin (Oh)

Kailan ba niya aaminin (Aaminin)

Kaniyang tunay na pagtingin? (Ano bang sasabihin?)

Mahiwagang salamin

Ano bang dapat gawin? (Gawin)

Bakit ang puso'y nabibitin?


[Post-Chorus: Gwen/Aiah/Maloi/Stacey, Colet/Jhoanna/Sheena/Mikha]

Salamin, salamin sa dingding (Salamin, salamin, salamin)

Nasa'n na ang pag-ibig? (Ano bang gawin?)

Salamin, salamin sa dingding

Pwede mo bang sabihin?

Salamin, salamin sa dingding

Nasa'n na ang pag-ibig?

Salamin, salamin

Kailan niya ba 'ko papansinin? (Ooh-ooh-ooh)


Mag-post ng isang Komento