Wolfgang - Halik Ni Hudas Lyrics

Halik Ni Hudas

by Wolfgang


Mga asong nanloloko

Nagpapanggap na tao

Pangakong matamis

Puro langaw at ipis

Sa bawa't tabi

At sulok

Pagkatao'y nabubulok

Nakalubog na

Sa kabaong

Lalo pang binabaon

Tao sa pangil

Ng buwaya

Kapangyarihan

Ng halik ni Hudas

Ubos nang mga bayani

Mga duwag

Ang nalalabi

Kunwari'y matatapang

Ihahango sa

Kahirapan

Kukunin n'ya

Lahat sa iyo

Isip at kaluluwa

Pagkatao mo'y

Papasukin

Tapos dudurugin

Tao sa pangil

Ng buwaya

Kapangyarihan

Ng halik ni Hudas

Magtiwala ka sa akin

Kaligtasan mo ako

Dito ka susunugin

Sa aking paraiso

Sumunod sa mga utos

Mga lason na pangako

Ang kanyang

Mga kamay

Mga batong pumapatay

Kaibigang nakaitim

Dadalhin ka sa dilim

Magpailalim sa kanya

Nakatali ng kadena

Tao sa pangil

Ng buwaya

Kapangyarihan

Ng halik ni Hudas

Tao sa pangil

Ng buwaya

Kapangyarihan

Ng halik ni Hudas


Mag-post ng isang Komento