Makita Kang Muli by Sugarfree

Makita Kang Muli

by Sugarfree


Ooh-whoa-ooh-whoa-ooh-whoa

Oh-whoa-whoa-whoa

Bawat sandali ng aking buhay

Pagmamahal mo ang aking taglay

Sa'n man mapadpad ng hanging

Hindi magbabago aking pagtingin

Pangako natin sa Maykapal

Na tayo lamang sa habang-buhay

Maghintay

Ipaglalaban ko ang ating pag-ibig

Maghintay ka lamang, ako'y darating

'Pagka't sa isang taong mahal mo ng buong puso

Lahat ay gagawin, makita kang muli

Makita kang muli

Puso'y nagdurusa, nangungulila

Iniisip ka 'pag nag-iisa

Inaalala mga sandali

Nang tayo ay magkapiling

Ikaw ang gabay sa akin tuwina

Ang aking ilaw sa gabing mapanglaw

Tanging ikaw

Ipaglalaban ko ang ating pag-ibig

Maghintay ka lamang ako'y darating

'Pagka't sa isang taong mahal mo mg buong puso

Lahat ay gagawin, makita kang muli

Makita kang muli

Makita kang muli


Mas lumaPinakabago

Mag-post ng isang Komento