Sugarfree - Reunion Lyrics

Sugarfree - Reunion Lyrics


Kumusta na?

Matagal na rin tayong 'di nagkita

Ibang-iba ka na


Ang gabi'y inuulan ng ngiti

Habang binabalik-balikan ang nakaraan

At napansin ko lang


Na habang tumatanda, tayo'y tumataba

Lalong bumibigat, lalong lumalala

Mga problema sa buhay


Ngayong gabi, kahit sandali

Takasan natin ang ngayon

At bumalik sa ating kahapon

Nu'ng buhay natin ay puno pa ng kulay

Oh, kailan ba nagsimula?

Kailan ba tayo tumanda?


Malayo na rin ang ating narating

Mula nu'ng maghalikan ang mga landas natin

May mga yumaman na

May biglang nawala, at may ibang walang magawa

Kundi manganak nang manganak


Dahil habang tumatanda, tayo'y tumataba

Lalong bumibigat, lalong lumalala

Mga problema sa buhay


Ngayong gabi, kahit sandali

Takasan natin ang ngayon

At bumalik sa ating kahapon

Nu'ng buhay natin ay puno pa ng kulay

Kailan ba nagsimula?

Kailan ba tayo tumanda?


Ah, tumanda

Tayo'y tumanda


Tingnan mo nga naman

Ang nagagawa ng panahon

Kay layo na natin sa noon

Matatapos din ang gabi

Ngunit 'di maghihiwalay

Ang puso ko sa alaala mo


Dahil habang tumatanda, tayo'y tataba

Lalong bumibigat at lalong lalala

Mga problema sa buhay


Ngayong gabi, kahit sandali

Takasan natin ang ngayon

At bumalik sa ating kahapon

Nu'ng buhay natin ay puno pa ng kulay

Oh, kailan ba nagsimula?

Kailan ba tayo tumanda?

Kailan ba tayo tumanda?

Mas lumaPinakabago

Mag-post ng isang Komento