Mahal Magtitiis Ako Lyrics by Nyt Lumenda

MAHAL, MAGTITIIS AKO

by Nyt Lumenda


Oh, mahal ko

lalayo ulit ako

Pangako sa'yo

pagmamahal di magbabago

Iiwan ko aking puso,

at sana'y alagaan mo

Sa aking paglayo

puso mo'y baunin ko


Kahit mawala ako,

araw araw sa paningin mo

Buhay OFW sadyang mahirap ito

Gagawin ko ang lahat

makaahon tayo sa hirap

At pangarap sa mga anak

matutupad.


Magtitiis,

mahal magtitiis ako

Anumang hirap

pagsubok ang dumating

Init ng yakap mo

nararamdaman ko

Hiling ko lang

magsama-sama na tayo



Milya milya man

ang layo sa isa't isa

Di ako makuntento

sa tawag at text mo

Skype ay hindi sapat

para tayo'y makapag-usap

Kaya homesick

ang matinding kalaban ko


Sakrapisyo ko sa abroad

titiisin lahat ito

Kailangan kong gawin

para din sa inyo

Hiling ko sa Ama

sana'y laging ligtas kayo

Pangako isang araw

kasama nyo na ako


Magtitiis,

mahal magtitiis ako

Anumang hirap

pagsubok ang dumating

Init ng yakap mo

nararamdaman ko

Hiling ko lang

magsama-sama na tayo


Magtitiis,

mahal magtitiis ako

Anumang hirap

pagsubok ang dumating

Init ng yakap mo

nararamdaman ko

Hiling ko lang

magsama-sama na tayo


Hiling ko lang

magsama-sama na tyo



Mag-post ng isang Komento