Meron Akong Kaibigan
by Freddie Aguilar
Meron akong kaibigan
pag ibig nya'y walang hangan'
marunong syang magpatawad
kahit na kanino man
Hindi ka nya pababayaan
sa oras ng kagipitan
kung sya'y iyong tatawagan
naroon sya kahit saan
Sa puso ko'y kumakatok
di sya pinag buksan
pag hindi na makaya
sya ang tatawagan
kahit ako'y makasalanan
akoy kanyang minamahal
kay dami man ng kamalian
ako'y kanyang pinagbibigyan
ano ang aking iginanti
sa aking kaibigan
ng dahil sa aking mga kasalanan
ipinako sya sa krus
Sa puso ko'y kumakatok
di sya pinag buksan
pag dina makaya sya ang tatawagan
patuloy ang aking paghahanap
wala akong kasiyahan
mayroon akong ibig malaman
ang sagot ay diko alam
At sa banal na kasulatan
ang totoo ay nalaman
si hesus na aking kaibigan
sya pala ang kailangan
binuksan ko ang puso
at sya ay pinapasok
ang aking kaibigan matagal ng kumakatok
muli akong isinilang
natapos ang paghahanap
langit na pangarap
kay hesus ko natagpuan
Mag-post ng isang Komento