Nyt Lumenda - Habang May Buhay LYRICS

Habang May Buhay

by Nyt Lumenda 



Huwag ka nang lumuha pa

Ang araw ay sisikat na

Magwawakas itong dilim

Liwanag ay makikita


Maririnig ang dalangin

Ang pagsuko'y huwag mong gawin

Ang Diyos ay 'di natutulog

Hindi ka n'ya bibiguin


Habang may buhay, 

may pag-asang makakamit

'Di tayo pababayaan 

ng Diyos sa langit

O, manalig ka sana, 

ikaw ay 'di nag-iisa

Karamay Siya, ah oh oh hoh


Ang ibon sa kaparangan

Minsan ma'y 'di kinaligtaan

Higit ka N'yang minamahal

'Pagkat ika'y Kanyang nilalang


Habang may buhay, 

may pag-asang makakamit

'Di tayo pababayaan 

ng Diyos sa langit

O, manalig ka sana, 

ikaw ay 'di nag-iisa

Karamay Siya, ah oh oh hoh


Maririnig ang dalangin

Ang pagsuko'y huwag mong gawin

Ang Diyos ay 'di natutulog

Hindi ka n'ya bibiguin


Habang may buhay, 

may pag-asang makakamit

'Di tayo pababayaan 

ng Diyos sa langit

O, manalig ka sana, 

ikaw ay 'di nag-iisa

Karamay Siya, ah oh oh hoh


Manalig ka, ah

Manalig ka, ah oh oh hoh


Habang may buhay, 

may pag-asang makakamit

'Di tayo pababayaan 

ng Diyos sa langit


Habang may buhay, 

may pag-asang makakamit

'Di tayo pababayaan 

ng Diyos sa langit


Habang may buhay, 

may pag-asang makakamit

'Di tayo pababayaan 

ng Diyos sa langit


Habang may buhay, 

may pag-asang makakamit 

'Di tayo pababayaan 

ng Diyos sa langit 

Mag-post ng isang Komento