KUNG SAKALI
by Nyt Lumenda
Paano ko kaya
Ipagtapat sa'yo
Itong nararamdaman
Sinisigaw ng puso ko
Pagkat ako'y nahihiya
Nag-aalangan sa'yo
Dahil sa mayaman ka
Ako'y mahirap lang
Kung mayrong pagkakataon
Na makausap ka
Pilitin kong ibulong sa'yo
Na ika'y aking mahal
Kung sakaling ayaw mo sa'kin
Ang tanging hangad ko lang
Malaman mo aking sinta
Ang pag-ibig ko'y
magpahanggang wakas
Kung mayro'n lang sana
Akong magagawa
Pilitin kong suyuin ka
Mahalin mo lang ako
Ako'y nahihiya
Nag-aalangan sa'yo
Dahil sa mayaman ka
Ako'y mahirap lang
Kung mayrong pagkakataon
Na makausap ka
Pilitin kong ibulong sa'yo
Na ika'y aking mahal
Kung sakaling ayaw mo sa'kin
Ang tanging hangad ko lang
Malaman mo aking sinta
Ang pag-ibig ko'y
magpahanggang wakas
Kung mayrong pagkakataon
Na makausap ka
Pilitin kong ibulong sa'yo
Na ika'y aking mahal
Kung sakaling ayaw mo sa'kin
Ang tanging hangad ko lang
Malaman mo aking sinta
Ang pag-ibig ko'y
magpahanggang wakas
Ang pag-ibig ko'y
magpahanggang
wakas
Mag-post ng isang Komento