AGOS by Isagani Licerio and PAPURI

AGOS

by Isagani Licerio and Papuri


Agos ng tubig sa batis ay lumalagaslas

Sa mga bato sa tabi ito'y humahampas

Batis na walang tigil sa pag-agos

Na kung saan marami ang nabubuhay

Marami ring namamatay


Ang buhay ng mga tao dito sa mundo

Ay tulad ng isang batis

Umaagos nang kay bilis

Mahirap man kung iisipin

Ngunit kung iyong iibigin

Batis man sa agos mo

Kay tuwang namamasdan


Agos ng batis at buhay ng tao

Tumatakbong sabay ito

Sa dagat na ang wakas ang tungo

Ang buhay mo sa Diyos nanggaling

Sa Diyos mo rin itagubilin

Gamitin mong pagpapala

Sa buhay ng iyong kapwa


Agos ng batis at buhay ng tao

Tumatakbong sabay ito

Sa dagat na ang wakas ang tungo

Ang buhay mo sa Diyos nanggaling

Sa Diyos mo rin itagubilin

Gamitin mong pagpapala

Sa buhay ng iyong kapwa

Mas lumaPinakabago

Mag-post ng isang Komento