Mga Matang Mapanghusga
Tahimik lang ako
Pero andami n'yong sinasabi
Kala mo kilala n'yo
Buong pagkatao ko
Hmmm
Na na na na
Ooh oh
Mga matang mapanghusga
Laging hinahanap ay mali
Konting galaw mo lang
Napapansin lagi
Ngiti parang totoo
Pero may inggit sa mata
Pag ikaw ay nakatalikod
Doon lalabas ang masamang ugali nilang totoo
Binabaon ka unti-unti
Habang tahimik ka lang
Kala mo kung sino sila
Kung makaasta perpekto
Nakakapagod sumabay
Sa mundong mapanghusga
Inaapakan ang kapwa
Para sila ang lalamamang
Puro pakitang tao lang
Mahirap malaman ang totoo
Mga matang mapanghusga
Kala mo kayo lang tama
Mga bibig na mapanakit
Pero sarili 'di makita woah
Tahimik man ako
'Di ibig sabihing natatakot
Tao rin akong nasasaktan
Kaya ako'y napapagod
Mas pinipili kong tumahimik
Kesa pumatol sa gulo
Sa mundong puro plastik
Mas okay nang mag isa
Oh no,
Yeah man
Real talk
Woah woah woah
Mga taong manggagamit
Lalapit-lapit pag may kailangan
Pero pag ikaw nawalan
Bigla ka nilang iiwan
Andaming banal magsalita
Pero ugali baliktad
Humahatol nang walang alam
Kala mo kung sinong tapat
Hoy yon pala lason ang salita
Sa harap mo ang ganda ng ngiti
Pero likod mo'y sinisiraan
Ng mga matang mapanghusga
Sanay lang manira ng kapwa
Sa bawat salitang binitawan
May pusong napapagod
Pero 'di n'yo kayang sirain
Ang taong bumabangon
Habang kayo'y puro panghuhusga
Ako nama'y lalong tumatatag
Mga matang mapanghusga
'Di alam ang tunay mong laban
Mga bibig na mapanira
Di alam ang nararamdaman
Ooh tahimik man ako
'Di ibig sabihing mahina
Sa mundong puro pagkukunwari
Mas pipiliin kong maging iba
Tahimik lang ako
Pero hindi ibig sabihin
Mahina
Mag-post ng isang Komento