Ben&Ben - Kathang Isip Lyrics

Kathang Isip Lyrics

by Ben&Ben 


‘Di ba nga ito ang ‘yong gusto

O, ito’y lilisan na ako

Mga alaala’y ibabaon

Kalakip ang tamis ng kahapon


Mga gabing ‘di namamalayang

Oras ay lumilipad

Mga sandaling lumalayag

Kung san man tayo mapadpad

Bawat kilig na nadarama

Sa tuwing hawak ang iyong kamay

Ito’y maling akala

Isang malaking sablay


Pasensya ka na

Sa mga kathang isip kong ito

Wari’y dala lang ng

Pagmamahal sa iyo

Ako’y gigising na

Sa panaginip kong ito

At sa wakas ay kusang

Lalayo sa iyo

(Lalayo sa)


Gaano kabilis nagsimula

Gano’n katulin nawala

Maaari ba tayong bumalik sa umpisa

Upang ‘di na umasa ang pusong nag-iisa


Pasensya ka na

Sa mga kathang isip kong ito

Wari’y dala lang ng

Pagmamahal sa iyo

Ako’y gigising na

Sa panaginip kong ito

At sa wakas ay kusang

Lalayo sa iyo

(Lalayo sa)


Sumabay sa agos na isinulat ng tadhana

Na minsan siya’y para sa iyo

Pero minsan siya’y paasa

Tatakbo papalayo

Kakalimutan ang lahat

Ohhhhh…


Pero kahit san man lumingon

Nasusulyapan ang kahapon

At sa aking bawat paghinga

Ikaw ang nasa isip ko sinta


Kaya pasensya ka na

Sa mga kathang isip kong ito

Wari’y dala lang ng

Pagmamahal sa iyo

Ako’y gigising na

Mula sa panaginip kong ito

At sa wakas ay kusang

Lalayo sa iyo

(Lalayo sa)


‘Di ba nga ito ang ‘yong gusto

O, ito’y lilisan na ako

Mag-post ng isang Komento