Joey Ayala - Karaniwang Tao Lyrics

 

Joey Ayala Lyrics


Lyrics
Ako po'y karaniwang tao lamang
Kayod-kabayo, 'yan ang alam
Karaniwang hanapbuhay
Karaniwan ang problema
Pagkain, damit at tirahan
'Di ko kabisado 'yang siyensiya
Ako'y nalilito sa maraming salita
Alam ko lang na itong planeta'y
Walang kapalit at dapat ingatan
Kapag nasira, sino ang kawawa
Karaniwang tao, saan ka tatakbo
Kapag nawasak, iisang mundo
Karaniwang tao, anong magagawa
Upang bantayan ang kalikasan
Karaniwang bagay ay 'di pansin
Kapag naipon ay nagiging suliranin
Kaunting basura ngayo'y bundok
Kotseng gabok ay umuusok
Sabong panlaba'y pumapatay sa ilog
May lason galing sa industriya
Ibinubuga ng mga pabrika
Ngunit 'di lamang higante
Ang nagkakalat ng dumi
May kinalaman din ang tulad natin
Karaniwang tao, saan ka tatakbo
Kapag nawasak, iisang mundo
Karaniwang tao, anong magagawa
Upang bantayan ang kalikasan
Karaniwang tao, saan ka tatakbo
Kapag nawasak, iisang mundo
Karaniwang tao, anong magagawa
Upang bantayan ang kalikasan
Karaniwang tao
Karaniwang tao
Karaniwang tao
Karaniwang tao
Karaniwang tao, saan ka tatakbo
Kapag nawasak, iisang mundo
Karaniwang tao, anong magagawa
Upang bantayan ang kalikasan
Karaniwang tao
Karaniwang tao
Karaniwang tao
Karaniwang tao

Mag-post ng isang Komento