Coritha - Kaibigan Lyrics

Coritha Lyrics


"Kaibigan"


Ang kaylangan ko ay paunawa
at tapat na pagmamahal
sa ulan ay may masilungan
ang pusong sugatan
 
Ako'y tao lang na may pagkukulang
minsan ay nagkakamali
umaasa nakikiusap
na mapansin muli
 
Ang kaylangan ko'y isang kaibigan
na hindi marunong magpanggap
bagkus siya ay malalapitan
karamay ko sa kagipitan
at lagi kong maaasahan
sa lahat ng pa..nahon
 
Ang kaylangan ko'y pagtitiwala
na di nalulusaw sa ulan
kahit na anong mangyari
handa akong sagipin
 
Sa lahat ng pagsubok
magkasama parin..
nasa palad mo ang puso ko
wag mo sanang biguin
 
Ang kaylangan ko'y isang kaibigan
mananatiling totoo
sa unos ay hindi lilisan
sandigan ko sa kahirapan
kasama kong maninindigan
sa lahat ng panahon..
 
Sa lahat ng panahon29
lahat ng panahon...

Mag-post ng isang Komento