Coritha - Langit Sa Lupa Lyrics

Coritha Lyrics

"Langit Sa Lupa"


Ito'ng munting hiling sa yo

Maging bahagi mo Dios ko.

Buksan ang puso kong ito

dinggin mo ang tanging pagsamo.

 

Ang mundo'y kay yaman na

nguni't anak sa hirap pa.

Di lamang sa ginto't pilak,

lalong tigang sa kaluluwa.

 

****

Buksan Mo ang mga pinto

sa paraiso ng biyaya.

Walang luha, dukha't dugo

katulad ng buhay sa lupa.

 

Hawiin ang ulap

at dalhin Mo na

ang langit sa lupa

at ang buhay ay

mapayapa't malaya

puno ng pagsinta,

puno ng pag-asa.

****

 

Bigya'ng liwanag ang dilim

ang puso ay naghihintay.

Isang kandila sa gabi

tanging gabay ng kaluluwa.

 

***

Buksan Mo ang mga pinto

sa paraiso ng biyaya.

Walang luha, dukha't dugo

katulad ng buhay sa lupa.

 

Hawiin ang ulap

at dalhin Mo na

ang langit sa lupa

at ang buhay ay

mapayapa't malaya,

puno ng pagsinta...

langit sa lupa.

***

 

Ahh,

dalhin Mo na

ang langit sa lupa.

Ahh, ohh

maawa Ka,

dalhin Mo

ang langit sa lupa


Mag-post ng isang Komento