Coritha - Linawin Mo Lyrics

Coritha Lyrics


"Linawin Mo"


Kung nais mo nang umiwas, bigkasin mo na Sana’y
linawin mo na, linawin mo na
Dahil sa ako’y puno na, sa iyong dahilan
Linawin mo na, sabihin mo na
haaa, haahahaaa haaa...
 
Huwag mo na akong, itulad sa iyong pusong tigang
Na ‘di nahabag, ‘di na nahabag
Kung nadarama mo lamang, ang aking nadarama
Linawin mo na, sabihin mo na..
haaa, haahahaaa haaa...
 
Ma aala aala, mo rin ako minsan, sa iyong pag-iisa
‘Pag wala nang gabay, sa dilim ng gabi
 
Isip ko’y lagi na lang naghihintay ng araw na
‘di matanaw, ‘di ko matanaw
 
(BRIDGE)
Kung nadarama mo lamang ang aking nadarama
Itong huli kong pakiusap, huwag nang magdahilan pa ng iba
Linawin mo na, ang isip ko’y ‘di mapalagay
Sabihin mo, wala nang magagawa, at ‘di ako, mapalagay...
 
Maaalaala mo na rin ako minsan sa iyong pag-iisa
‘Pag wala nang gabay, sa dilim ng gabi, doon ka magsisisi...
 
Magtapat ka lang, kahit ano pa man iyong naging pasiya
‘Di hahadlangan, ‘di na hahadlangan

Mag-post ng isang Komento