Gary Granada - Mabuti Pa Sila Lyrics

Gary Granada Lyrics



"Mabuti Pa Sila"



Mabuti pa ang mga surot, laging mayron may sisiksikan
Mabuti ang bubblegum, laging mayron didikitan
Mabuti pa ang salamin, laging mayron tumitingin. '
Di tulad kong laging walang pumapansin
Mabuti pa ang mga lapis, sinusulatan ang papel
At mas mapalad ang kamatis, maya't maya'y napipisil
Napakaswerte ng bayong, hawak ng aleng maganda. '
Di tulad kong lagi na lang nag-iisa
Ano ba'ng wala ako na mayron sila? '
Di man lang magkaisa habang iba'y dala-dalawa
Pigilan n'yo ako magpatiwakal
Mabuti pa ang galunggong nasasabihan ng "mahal"
Kahit ang suka ay may tuyo, at ang asin may paminta
Mabuti pa ang lumang dyaryo at yakap-yakap an isda
Mabuti pa sila, mabuti pa sila. '
Di tulad kong laging na lang nag-iisa
Mabuti pa ang simpleng tissue, at laging nahahalikan
Mabuti pa ang dating bisyo, umaasang babalikan
Mabuti pa sila, mabuti pa sila. '
Di tulad kong umuuing nag-iisa
Pigilan n'yo ako magpatiwakal
Bakit si Gabby Concepcion lagi na lang kinakasal?
Mabuti pa mga snatcher, at laging may nag-hahabol
Ang akin luma na computer, mayron pa rin compatible
Mabuti pa sila, mabuti pa sila. '
Di tulad ko, hanggang ngayon, nag-iisa


Mag-post ng isang Komento