Bukas Palad Music Ministry - Maligayang Pasko Lyrics

"Maligayang Pasko"

by Bukas Palad Music Ministry


[Verse 1]

Maligayang Pasko sa iyo, Inang Maria

Ilang daang taon na ang lumipas nang ikaw ay magpasya

Maging Ina ng Tagapagpalaya sa Mundo, Inang Maria

Pinagpala ka ng Diyos Ama, maging ang bunga mong Anak ng Diyos


[Chorus]

At narito ang Paskong nagmula sa ating mapagmahal na Ama

Sa pamamagitan mo, kundi sa'yo, mayroon kaya tayong Pasko?


[Verse 2]

Maligayang Pasko sa iyo, Inang Maria

Isang kahilingan pa sana, huwag kaming kalilimutan

Idalangin kami'y matulad sa iyo, Inang Maria

At maging huwaran ng ating tuwina

Ang halimbawa mong nagsilang sa Kanya


Mag-post ng isang Komento