HOTEL NA PULA
By Jhae-Are Abella
Napadaan sa sabungan
may nagsisigawan
Akoy pumusta,
sa kalaban ng manok na pula
Ako ay nanalo at tuwang tuwa
dahil ako'y may pang date na
Agad niyaya sa hotel na pula
ang chicks kong maganda
Nagsimula ang salpukan
sa Hotel na pula
Ang aking baywang
nag gewang gewang
Pati ang paa ko
ay namulikat na
Di na makatayo,
sobrang nanghina na
Kaya ang chicks ko na maganda
ngiti nya ay abot tenga
Nang umuwi sa may bahay
ako ay lupaypay
Madaling araw na
pero gising pa aking asawa
Ako ay nag overtime sa aking trabaho
kaya pagod na pagod ako
Pero ang misis ko, hindi mauto
inupper cut ako
Natanggal tatlong ipin ko,
Ang darling ko
ay blackbelter pala sa karatedo
Lahat ng sipa nya,
sa mukha ko tumama
Basag aking panga,
di na makanganga
Ang mabait ko na asawa
Naging parang demonyo na
Ang pera dapat sa misis ko,
ay naubos ko
sa tawag ng laman,
akoy nagpatalo
Sa hotel na pula
dina babalik pa
Dahil ayoko na ulit mabugbog pa
Kaya't kayong mga barako
wag na maging babaero...
Mag-post ng isang Komento