📢 We’ve moved to dplyricsph.com! Visit us there for more OPM lyrics and karaoke content.

MULTO by Cup Of Joe Lyrics

MULTO

by Cup Of Joe


Humingang malalim, pumikit na muna

At baka sakaling namamalikmata lang

Ba't nababahala? 'Di ba't ako'y mag-isa?

'Kala ko'y payapa, boses mo'y tumatawag pa


Binaon naman na ang lahat

Tinakpan naman na 'king sugat

Ngunit ba't ba andito pa rin?

Hirap na 'kong intindihin


Tanging panalangin, lubayan na sana

Dahil sa bawat tingin, mukha mo'y nakikita

Kahit sa'n man mapunta ay anino mo'y kumakapit sa 'king kamay

Ako ay dahan-dahang nililibing nang buhay pa


Hindi na makalaya

Dinadalaw mo 'ko bawat gabi

Wala mang nakikita

Haplos mo'y ramdam pa rin sa dilim


Hindi na na-nanaginip

Hindi na ma-makagising

Pasindi na ng ilaw

Minumulto na 'ko ng damdamin ko

Ng damdamin ko


'Di mo ba ako lilisanin?

Hindi pa ba sapat pagpapahirap sa 'kin? (Damdamin ko)

Hindi na ba ma-mamamayapa?

Hindi na ba ma-mamamayapa?


Hindi na makalaya

Dinadalaw mo 'ko bawat gabi

Wala mang nakikita

Haplos mo'y ramdam pa rin sa dilim


Hindi na na-nanaginip

Hindi na ma-makagising

Pasindi na ng ilaw

Minumulto na 'ko ng damdamin ko

Ng damdamin ko


Makalaya (hindi mo ba ako lilisanin?)

Dinadalaw mo 'ko bawat gabi (hindi pa ba sapat pagpapahirap sa 'kin?)

Wala mang nakikita (hindi na ba ma-mamamayapa?)

Haplos mo'y ramdam pa rin sa dilim (hindi na ba ma-mamamayapa?)

Mas lumaPinakabago

Mag-post ng isang Komento