NASAAN ANG PANGAKO BY NYT LUMENDA

NASAAN ANG PANGAKO

by Nyt Lumenda


Kahapon lang,

Tayo'y magkasama

at parang bula

Ika'y nawala


Sariwa pa

Sa aking isipan

Mga sumpa mo

at pag suyo...


Nasaan na ang pangakong

Ako lang ang mahal mo

Nasaan na ang pangako

at bigla kang lumayo.


Ngayon ikaw ay,

may ibang minamahal

Hangad kong lagi

ang iyong ligaya


Kung ikaw ay

kanyang iiwan

Ako'y palagi

naghihintay


Nasaan na ang pangakong

'di ka magbabago

nasaan na, ang pangako

at ako'y iniwan mo


Ang puso ko'y

nangungulila..

Hanggang kailan

magdurusa


Nasaan na ang pangakong

'di ka magbabago

Nasaan na ang pangako

at ako'y iniwan mo


Nasaan na ang pangako

at bigla kang lumayo

Nasaan na ang pangako

at ako'y iniwan mo

nasaan na...


Mag-post ng isang Komento