Loonie - Tugmang Preso Lyrics

"Tugmang Preso"

by Loonie


[Spoken Intro]

Isang sikat na Fliptop rapper ang inaresto sa buy bust operation sa Makati City

Siya si Marlon Peroramas o mas kilala bilang si Loonie

Members of Makati's drug enforcement unit have arrested rapper Loonie

Nakuhanan sila ng ilang pakete ng droga

Miyerkules nung nakaraang linggo, nang maaresto si Loonie

At apat na iba pa, matapos makumpiskahan ng bush for high grade marijuana


[Intro]

Bagamat makulay ang mga pabalat

Alam mong mahusay ang pagkakalahad

Mga tunay na ganap, isinulat ng pa-rap

Kaya 'wag ka nang magulat kung magtutugma lahat

Sapagkat ito'y galing sa memorya

Isang napaka-importante na istorya

Ito ang aking personal na testimonya

Pangontra sa mga ignorante na teyorya


[Verse 1]

Ito ay tunay na buhay, wala 'kong dahilan

Para magsinungaling at mga detalye palitan

Ito ang kwento kung pa'no kami tinaniman

Ng marijuana ng mga parak na mukhang taliban

Bandang alas otso ng gabi sa Pilipinas

Sa isang gusali doon sa may Ortigas

Walong oras bago ang rehas ay mahimas

Kasama ko si Ron Henley ng Stick Figgas

May interview kami sa radyo nung gabi na 'yon

Tungkol sa marijuana at sa legalisasyon

Pagkatapos namin umalis agad sa istasyon

Dahil meron pa 'kong pupuntahang isang okasyon

Do'n sa Poblacion, birthday daw ni Shaun

'Yun lang ang alam ko na detalye pa noon

Medyo masama ang panahon, umaambon

Kaya tinext ko na si utol, pumunta ka na ngayon

Humiwalay na si Ron, sumakay ng taxi

Dahil bukas may recording pa kami ni Klumcee

Utol kong si Idyll, sinundo ako sa lobby

Gamit ang aking Subaru na tunog Ferrari

Saan tayo pupunta? Private daw na party

'Yung reception ay isang hotel do'n sa Makati

Bata na may cancer, kumontak kaniyang mommy

Idol ako ng anak at rap ang kaniyang hobby

Pangalan daw ay Shaun, walang pake sa money

Kasi handang magbayad kahit magkano si daddy

Lumambot ang aking puso nung una ko narinig

Naawa ako kay Shaun, mga luha nangilid

Nung nalaman kong lagay na daw ng bata, tagilid

'Di niyo kailangan magbayad, pupunta 'ko sa event

Rekta sa Makati kahit traffic ay ikainip (Hay!)

Kasama ko si Rude at si Ivan, ang sikip

At si Kuya Albert, 'yung driver kong mabait

At tsaka si Idyll, aking manager at kapatid

Na merong thalassemia, isang kakaibang sakit

Kailangan niya laging salinan ng dugo na pantawid

At dahil malapit lang sa hotel 'yung Makati Med

Sumabay na lang siya sa'min para mas makatipid


[Interlude]

Sabay ka na para isang kotse na lang


[Verse 2]

'Yung katabi ko sa back seat, si Rude Boy at si Ivan

Documentation, security, at hype man

Bali siksikan kami sa aking tsikot ('Wag malikot!)

Tatlo kaming mga lalaki sa likod

Pagdating sa Makati, sakto lang 'yung timing

Nag-text na rin 'yung mommy at nagsabing

Nag-start na daw 'yung party, sa basement daw 'yung parking

Salamat sa pagpunta, pasok lang kayo, darling

Pagbaba ng kotse, hinanap ko 'yung main floor

May nagpa-litrato sa tabi ng elevator

Idol pwede favor? Baka pwede magpa-picture

Kasi idol na idol ka talaga ng anak ko na grade four (Yeah, four!)

Nag-selfie kaming dalawa sa kaniyang Razor

Tapos tinutok sa'kin 'yung baril ni Terminator (Hasta la vista)

Pero bilang narrator, lagyan natin ng flavor

Para 'di masyadong halata 'yung trauma ko na major (What the fuck?)

Nakakagulantang 'sangkatutak na ninja cops sa amin ang tumambang

Parang Wu-Tang Clan lang, lampas sampu lumabas sa van

"Pasensya na idol, napag-utusan lang"

Humakbang paatras at wala nang nagawa

Tinutukan ng beretta sa mukha, pinadapa, pinosasan, pilit pinapatingin sa baba

Mga bulsa namin, isa-isa nilang kinapa

Akala ko kidnap for ransom ang sadya

O kaya baka prank lang 'to na malala, 'lang hiya!


[Interlude]

Dapa, dapa, dapa!

Kamay sa likod, tingin sa baba

Dapa sabi eh!


[Verse 3]

Nakadapa kami habang napapanood

Ng aking utol na kasalukuyang nakabukod

May tinabi silang kahon, malakas kaniyang kutob

Na meron 'tong mga lamang kontrabando sa loob

Tsaka na lang silang nagpakilalang mga parak

Nung isa na sa mga kasama nila nasapak

Walang uniporme at naka-maskara lang lahat

Walang Mirandang binasa, basta-basta lang agad (My God!)

Sikat na hotel at nakakapagtaka'y

Maraming CCTV, lahat nakapatay

Wala man lang body cam na nakalagay

Kahit kuha man lang ng cellphone gamit kamay

Sabi daw ng pulisya, sa'kin daw nakumpiska pero 'di makumpirma

Kasi walang kahit ni isang saksi na pumirma

Walang video ng palitan magmula nung umpisa

Kung under surveillance pala, dapat may footage ka

('Di ba? Kung under surveillance pala, dapat may footage na)


[Verse 4]

Kung normal na tao, nagva-viral 'pag nahuli siya

Paano na lang kaya kung si Loonie pa?

Nung nasagot ko 'yung PDEA at aking kinondena

Mga ulo nila, biglang nagkaro'n ng bumbilya

Para ma-promote sa pwesto, ako ang pinuntirya

Ng mga ninja cops na gustong magbida-bida ('Di ba, 'di ba?)

Bigla silang nakaisip ng ideya

Kasi napanood nila 'yung live ko sa PDEA

Nung binan nila 'yung kantang "Amatz" dahil sa tema

Pero "Maria Hiwaga" ni Sassa? Walang problema

Aba punyeta, talamak na ang taniman

Buy bust daw kaso bakit parang madalian?

'Di ba dapat pinaghahandaan 'yan at kalimitan

Minamanmanan nang malayuan, malapitan?

May mga camera na nakatago sa pagitan

Kaya medyo weirdo kasi walang video ng palitan

Akala ko ba buy bust 'to na malakihan?

Nakakapagtaka lang, kaibigan

Gusto mong maintindihan at mabatid?

Gamitin mo lang ang sentido kumon, kapatid

Para sa isang daang libo, magpapaka-astig

Kayang-kaya ko 'yang kitain ng triple isang gig

At kung pusher man ako ng sinasabi nilang weed

Bakit naman ako pa mismo maghahatid?

Ni hindi nga 'ko lumalabas ng bahay tsaka

Bihira mong makita sa kalsada tumawid

At bakit ako magbebenta sa 'di ko kakilala

Kung sa eksena ko ay maraming nagma-marijuana?

Bakit ko papahirapan ang sarili ko?

Habang sinusugal ang karerang matagal kong pinagsikapan

Bakit isasama ko pa 'yung kapatid kong may karamdaman

At camera man para mag-vlog ng kaganapan?

Walang saysay na mga paratang

Pawang haka-haka lamang para pangalan ko ay yurakan


[Outro]

Alam kong meron akong mga paa na natapakan

Ngunit 'di ko 'yon sinasadya, ako ay tao lamang

Pinaglaban lang ang paglikha nang merong kalayaan

At kung 'yon ay masama, 'yun lang ang aking kasalanan


[Spoken Outro]

Authorities seized fifteen packs of high grade marijuana from Peroramas

The rapper is denying the allegations against him

He says, "He may have been frame"


Mag-post ng isang Komento