Nikko Permano - Kahit Magunaw Ang Mundo Lyrics

Kahit Magunaw Ang Mundo

by Nikko Permano


[Verse1]

Sa tamang panahon at oras tayo ay pinagtagpo

Pinagsamahan natin na o kay tagal at totoo 

Pinagtapat ko na sayong nadarama ng puso ko

at di rin inakala na matatanggap mo rin ako



[Pre-Chorus1]

Ngayo'y kasama na kita at kapiling pa

Ang lungkot sa puso ay nawawala

Ikaw ang nagbigay ng pag-asa ko at dangal

Wag ka ng magbabago aking mahal


[Chorus1]

At kahit magunaw ang mundo

Di ka iiwan at

lagi sa piling mo

Sa bawat tibok nitong puso ko ay ikaw

Ikaw lang mahal ang syang sinisigaw


[Verse2]

O ka'y sarap namang damihin ang tunay na pag-ibig mo

Kapag kasama na kita ay parang dinuduyan ako

Wala na ring katulad pang mga halik mong kay tamis

Mawala ka lang saglit hindi ko na matitiis


[Repeat Pre-Chorus1]

[Repeat Chorus1]


[Bridge]

Alam mo namang hinde kita matitiis

Hanap-hanap ka ng puso kong nananabik


[Pre-Chorus2]

At kahit tayo'y ipaglayo

Hindi magbabago

Nandito lang ako

Kasama mo akong nandito lang bawal saglit

Ikaw lang mahal di kita pagpapalit


[Chorus2]

At kahit magunaw ang mundo

Di ka iiwan at

lagi sa piling mo

Sa bawat tibok nitong puso ko ay ikaw

Ikaw lang mahal ang syang sinisigaw

Ikaw lamang ang tunay kong minamahal...

Mag-post ng isang Komento